Wednesday, June 27, 2018


Kahalagahan ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat

Bago talakayin ng aming guro ang aming aralin tungkol sa teknikal-bokasyonal na sulatin ay wala talaga akong ideya kung ano ang mayroon o nilalaman nito. Hindi ko rin alam na may ganitong uri pala ng pag-aaral ukol sa pagsulat kaya naman nang matapos maitalakay sa amin ang unang aralin ay marami akong natutunan. Nalaman ko ang mga kahulugan, katangian, gamit, layunin, at anyo ng isang teknikal-bokasyonal na sulatin.

Magkaiba ang tenikal-bokasyonal na sulatin sa teknikal-bokasyonal. Ang teknikal- bokasyonal ay ang mga iba’t-ibang larangang maaari mong piliin ayon sa iyong nagugustuhang mga gawain, at dito mas malilinang ang iyong mga kaalaman at kakayahan, sa CSS(Computer System Servicing) man, sa SMAW(Shielded Metal Arc Welding), sa Culinary at marami pang iba. Samantalang ang teknikal-bokasyonal sulatin ay ito ang pagggawa ng pormal na mga sulatin na maari mong gamitin kapag ikay nagtrabaho o sa pagnenegosyo.

Saan nga ba makikita ang mga teknikal-bokasyonal na sulatin? Pagkatapos ng aming talakayan ukol sa teknikal bokasyonal na sulatin, ay nalaman ko rin na ang mga nakikita ko o ang mga ginagamit ko ay isa ring halimbawa ng teknikal bokasyonal na sulatin. Halimbawa ng mga ito ay Manwal, liham pangnegosyo, flyers, leaflets, paggawa ng dokumentasyon, paunawa, babala, anunsyo, menu, at marami pang iba.
                                                                                                                         

Bakit nga ba mahalaga na pag aralan ang pagsulat sa Filipino ng teknikal-bokasyonal na sulatin? Para sa akin at base sa aming pinagaralan mahalagang pag-aralan ang teknikal-bokasyonal na sulatin, Upang magkaroon tayo ng kaalaman ukol dito at upang maibahagi natin sa ibang tao ang mga nilalaman at kaibahan nito sa ibang sulatin. At dapat matuto din tayo na magsulat sa teknikal-bokasyonal na paraan upang makagawa tayo ng maayos, tumpak, at tiyak na sarili nating mga sulatin tulad ng mga manwal, liham, menu, anunsyo at marami pang iba. Ito ay maari natin ito gamitin sa pagtayo ng ating mga sariling negosyo o maging sa trabaho. Ang mga uri ng teknikal na sulatin ay maaring magamit sa mga pang negosyo ngunit ang iba sa mga ito ay maari rin magamit sa trabaho katulad ng mga naratibong ulat, at liham pang negosyo.


Ang mga simpleng batayang simulain upang maging mahusay na manunulat para sa akin ay: Una, dapat ay iniisip mo ang mga magiging mga mambabasa mo sa gagawing mong sulatin. Pangalawa, dapat alamin mo ang mga layunin ng bawat arikulo o ulat na gagawin mo. Hindi ka maaring maging magaling na manunulat kung dimo alam ang layunin mo sa paggawa ng bawat sulatin na iyong gagawin sa kahit anong bagay pa man ito. At pangatlo, dapat alam mo ang paksang aaralin mo. Hindi ka maaring gumawa ng sulatin ng wala kang alam tungkol sa iyong gagawin na sulatin dahil kung wala kang alam at gagawa ka ng teknikal na sulatin ay anong maisusulat o mailalagay mo rito. Dapat ay alam mo at may kaalaaman ka sa iyong gagawin na sulatin upang mayroon kang mailagay na tama, maayos at tiyak na mga impormasyon at nang hindi ka mag paligoy ligoy sa iyong mga sasabihin.